Wednesday, January 24, 2007

Ang Mga Boss na may the Devil Wears Prada Syndrome



Mahirap maging subordinate, sunod ka ng sunod. Kagaya nang sa devil wears prada, mayroon ding akong mga naging boss na ganiyan. Di lang nga ako tumatagal.Pero may mga kasama ako na talagang mahilig magpalapad ng papel kaya hayon, pati tutang mabaho ay pinagtitiyagaang alagain at halikan para sa kaniyang boss na gustong mag-alaga ng hayup, tamad namang magpaligo.

Meron namang isa, panay ang "May I praise siya sa damit ng boss naming babae tuwing makikita niya. Kulang na lang lumuhod siya at kumanta ng SINASAMBA KITA.

At huwag mong isnabin, pag magkasama sila sa conference, siya ang runner, tagakuha ng pagkain sa lamesa pag buffet, tagatakbo sa hotel room pag may naiwan si boss at tagamasahe ng paang nanakit pagkatapos nang lahat ng aktibidades.

Bilang gantimpala naman ay libre ang kaniyang ticket, hotel accommodations at baon, samantalang ang inyong abang lingkod ay pasan ang lahat ng gastos.

Minsan ay napunta kami sa Davao. Inutusan niya si Sipsip na ikuha lahat kami ng plane tickets para sabay-sabay daw kami pag-alis at pagbalik. Pero kaniya-kaniyang bayad.

Hige. Hindi na raw kailangang iconfirm dahil kilala niya ang nasa airline. Hige.
Natapos ang conference, check out kami ng alas seis ng umaga dahil ang flight ay 8:00
Hawak pa mang aking boss ang kaniyang pipa at panay ang buga ng usok ng sigarilyo.
Nakasunod si SIPSIP.

Ahak ahak, Muntik nang masamid sa kauubo si bossing. Alas otso nga pala lipad namin pero gabi at hindi umaga. hahaha.

So, palipas kami ng oras sa pinakamalapit na beach resort. Ilang oras din ang papatayin namin di yong may style.

Nagbubusa si boss. Inis na ang kasama kong lalaki. Kung puwede raw umakyat siya sa pumo ng niyog at pumitas ng isang buko para maisalaksak sa bunganga ng boss. Sabi ko sa kaniya. *heh*

Umalis ako sandali. Tumawag sa phone. Sa mga ganoong sandali, ginagamit ko ang aking pagkamangkukulam. Tinawagan ko yong isa kong kakilala sa airline. Kunan ng change passenger seat ang boss ko. Pronto. Wala pang kalahating oras, mayroon tawag sa akin. May dalawang available na upuan. Kung gusto ko raw iyong isa. Sabi ko hindi, ibigay niya na sa iba. Isa lang ang kailangan ko.

Nakaalis siya. Mag-isa. Naiwan si SIPSIP.

Tanong sa akin ng kaibigan ko bakit di ako sumasama. Sagot ko naman, bakit kinunan ko ba siya ng chance passenger, di ba para mawalan ng maingay.

Bakit daw iniwan ko si SIPSIP.

Good question. Gusto kong makita siyang magbitbit ng kaniyang maletang iika-ika sa taas ng kaniyang takong. *heh*

Alas otso ng gabi, kami ay lumipad nang matahimik.

Photobucket - Video and Image Hosting
Photobucket - Video and Image Hosting

Comments on "Ang Mga Boss na may the Devil Wears Prada Syndrome"

 

post a comment