Planning
Sabi sa wiki: Planning is the (psychological) process of thinking about the activities required to create a desired future on some scale. Mahilig akong magplano. Kahit kakainin ko na lang pinaplano ko pa. Kagaya nang kung ano ang magiging breakfast, ano ang magiging tanghalian, ano ang hapunan. OO Birhinya, kahit noong nag-iisa ako. Planning freak ako talaga. Malaki ang impluwensiya sa akin ng aking titser sa akin noong Grade 5 kung saan ang pagpaplano ay may oras. Kagaya nang 5:00-5:15 gising na. Bakit kanyo may 15 minutes na allowance. Kasi ang alarm clock ko noon ay may dalawang alarm. Una gigisingin ako ng relos. Kring, kring. Yong ikalawang alarm, sa mother ko na galing." Ano ba, hindi ka pa ba tatayo, blah blah blah." 5:15 to 5:45= sa banyo Thirty minutes, mga kabarangay. Ganoon ako katagal sa banyo, hindi dahil pinapuputi ko ang kilikili ko sa sobrang paghilod kung hindi lima hanggang sampung minuto niyan ang allowance sa pagsigaw ng tubig...tubig....Nakatira kasi kami noon sa Paco kaya, ang hina ng tubig lalo pagnakabukas yong gripo ng kapitbahay. Siyempre kasama ang pag-upo ko noon sa trono na may hawak na komiks. Excusa me sa mga kumakain. Ngayon gawa ko pa rin yan, pero hindi na komiks kung hindi People,Celebrity at mga magazine ng mga katsismisan sa artista. *heh* Pero tayo'y naliligaw. Ang pagpaplano ko nga pala sa aking misyon ang ating pinag-uusapan. Una, kailangan ko ng "gloves". Hindi para wala akong fingerprint na maiwan kung hindi dahil malamig sa labas. Ikalawa, kailangan ko ng scarf para sa aking leeg. Ikatlo, sweatshirt sa ilalim ng aking jacket. San Francisco pa ha. O eto na ako. Talo ko pa si Alias. Misyon: Should I accept it. bwahaha Isoli ang The Devil Wears Prada. Corniko. Devil Wears Prada,planning |
Comments on "Planning"