Wednesday, January 24, 2007

Sad movies and Sad Songs Make Me Cry

Photobucket - Video and Image Hosting
Hanube yan, isang nag-audition sa American Idol ang nagsabi na ang kakantahin niya ay inspired ng break-up nila nang kaniyang girl friend. Malungkot daw at tiyak na babaha ng luha. Ako naman si gaga't kalahati ng one fourth ay inihanda ang kumot na malapit sa akin. Baka nga naman ako maiyak. Alam ninyo naman, dinaanan din natin yang mga broken broken heart ekek na kung minsan ay wala akong ganang kumain hanggang maamoy ko ang dala- dalang pizza ng aking karoommate noon. Yum yum, saka na ang sintir de asukal. Kain muna. Ano nababaliw na magutom.

Eh, balik tayo dito sa mamang nangangalandakan na siya ang susunod na American Idol at sabi niya ala Sharon Cuneta, BUKAS LULUHOD ANG MGA TALA kasama raw si Paula Abdul.

Pinigil ko pa ang punta sa bathroom para hintayin siyang kumanta. Kumanta na po. Saan ba nakatago yong pambambo ko. Tinamaan ng lintek. Love song ba yong nag raRap siya roon. Tsee niya.

Noong isang araw naman ay pinanood ko ang pelikulang JEZEBEL. Hindi yong sirenang lalangoy langoy na tinampukan ni Vilma Santos, Alma Moreno at ang pinakahuli ay si Charlene Gonzales.

Ito ay lumang pelikula na tinatampukan ni Bette Davis at Henry Fonda. Maganda pala si Bette Davis noong bata pa.At siyempre, guwapo talaga si Henry Fonda.

Dito sa pelikulang ito nanalo ng Academy Award si Bette. Bakit ako naiyak kanyo, kasi naalala ko sarili ko sa katigasan ng ulo niya. Nang sabihang bawal ang magsuot ng hindi puting damit para sa mga babaeng wala pang asawa sa kasayahang dinadaos taun-taon, nagsuot siya ng pula. Ako naman nang sinabihang bawal ang magpantalon sa graduation at kailangan nakabestida ang mga babae, nagsuot pa rin ako ng pantalon. Nang makita ako ng usher, pinatupi sa akin bago ako umakyat sa stage. Buti na lang mahaba ang toga ko.

Ang nakakaiyak pa sa pelikula ay kung sino ang di mo aakalaing maksasakripisyo sa pag-ibig ang siyang nagpakamartir sa bandang huli. Ako, sabi nila martir, pero ayaw kong mabaril sa Luneta kaya puede ba.

Haynaku, kay Jackie Chan na nga lang ang papanoorin ko.

,,
Photobucket - Video and Image Hosting
Photobucket - Video and Image Hosting

Ang Mga Boss na may the Devil Wears Prada Syndrome



Mahirap maging subordinate, sunod ka ng sunod. Kagaya nang sa devil wears prada, mayroon ding akong mga naging boss na ganiyan. Di lang nga ako tumatagal.Pero may mga kasama ako na talagang mahilig magpalapad ng papel kaya hayon, pati tutang mabaho ay pinagtitiyagaang alagain at halikan para sa kaniyang boss na gustong mag-alaga ng hayup, tamad namang magpaligo.

Meron namang isa, panay ang "May I praise siya sa damit ng boss naming babae tuwing makikita niya. Kulang na lang lumuhod siya at kumanta ng SINASAMBA KITA.

At huwag mong isnabin, pag magkasama sila sa conference, siya ang runner, tagakuha ng pagkain sa lamesa pag buffet, tagatakbo sa hotel room pag may naiwan si boss at tagamasahe ng paang nanakit pagkatapos nang lahat ng aktibidades.

Bilang gantimpala naman ay libre ang kaniyang ticket, hotel accommodations at baon, samantalang ang inyong abang lingkod ay pasan ang lahat ng gastos.

Minsan ay napunta kami sa Davao. Inutusan niya si Sipsip na ikuha lahat kami ng plane tickets para sabay-sabay daw kami pag-alis at pagbalik. Pero kaniya-kaniyang bayad.

Hige. Hindi na raw kailangang iconfirm dahil kilala niya ang nasa airline. Hige.
Natapos ang conference, check out kami ng alas seis ng umaga dahil ang flight ay 8:00
Hawak pa mang aking boss ang kaniyang pipa at panay ang buga ng usok ng sigarilyo.
Nakasunod si SIPSIP.

Ahak ahak, Muntik nang masamid sa kauubo si bossing. Alas otso nga pala lipad namin pero gabi at hindi umaga. hahaha.

So, palipas kami ng oras sa pinakamalapit na beach resort. Ilang oras din ang papatayin namin di yong may style.

Nagbubusa si boss. Inis na ang kasama kong lalaki. Kung puwede raw umakyat siya sa pumo ng niyog at pumitas ng isang buko para maisalaksak sa bunganga ng boss. Sabi ko sa kaniya. *heh*

Umalis ako sandali. Tumawag sa phone. Sa mga ganoong sandali, ginagamit ko ang aking pagkamangkukulam. Tinawagan ko yong isa kong kakilala sa airline. Kunan ng change passenger seat ang boss ko. Pronto. Wala pang kalahating oras, mayroon tawag sa akin. May dalawang available na upuan. Kung gusto ko raw iyong isa. Sabi ko hindi, ibigay niya na sa iba. Isa lang ang kailangan ko.

Nakaalis siya. Mag-isa. Naiwan si SIPSIP.

Tanong sa akin ng kaibigan ko bakit di ako sumasama. Sagot ko naman, bakit kinunan ko ba siya ng chance passenger, di ba para mawalan ng maingay.

Bakit daw iniwan ko si SIPSIP.

Good question. Gusto kong makita siyang magbitbit ng kaniyang maletang iika-ika sa taas ng kaniyang takong. *heh*

Alas otso ng gabi, kami ay lumipad nang matahimik.

Photobucket - Video and Image Hosting
Photobucket - Video and Image Hosting

Tuesday, January 23, 2007

Planning

Sabi sa wiki: Planning is the (psychological) process of thinking about the activities required to create a desired future on some scale.

Mahilig akong magplano. Kahit kakainin ko na lang pinaplano ko pa. Kagaya nang kung ano ang magiging breakfast, ano ang magiging tanghalian, ano ang hapunan. OO Birhinya, kahit noong nag-iisa ako. Planning freak ako talaga. Malaki ang impluwensiya sa akin ng aking titser sa akin noong Grade 5 kung saan ang pagpaplano ay may oras.
Kagaya nang 5:00-5:15 gising na.

Bakit kanyo may 15 minutes na allowance. Kasi ang alarm clock ko noon ay may dalawang alarm. Una gigisingin ako ng relos. Kring, kring. Yong ikalawang alarm, sa mother ko na galing." Ano ba, hindi ka pa ba tatayo, blah blah blah."
5:15 to 5:45= sa banyo

Thirty minutes, mga kabarangay. Ganoon ako katagal sa banyo, hindi dahil pinapuputi ko ang kilikili ko sa sobrang paghilod kung hindi lima hanggang sampung minuto niyan ang allowance sa pagsigaw ng tubig...tubig....Nakatira kasi kami noon sa Paco kaya, ang hina ng tubig lalo pagnakabukas yong gripo ng kapitbahay.

Siyempre kasama ang pag-upo ko noon sa trono na may hawak na komiks. Excusa me sa mga kumakain. Ngayon gawa ko pa rin yan, pero hindi na komiks kung hindi People,Celebrity at mga magazine ng mga katsismisan sa artista. *heh*

Pero tayo'y naliligaw. Ang pagpaplano ko nga pala sa aking misyon ang ating pinag-uusapan.

Una, kailangan ko ng "gloves". Hindi para wala akong fingerprint na maiwan kung hindi dahil malamig sa labas.

picture of globes

Ikalawa, kailangan ko ng scarf para sa aking leeg.

scarf

Ikatlo, sweatshirt sa ilalim ng aking jacket. San Francisco pa ha.



O eto na ako. Talo ko pa si Alias.

cat ninja

Misyon: Should I accept it. bwahaha

Isoli ang The Devil Wears Prada.

devil wears prada

Corniko.




,
Photobucket - Video and Image Hosting
Photobucket - Video and Image Hosting

Monday, January 22, 2007

Snoring

Isa sa mga dahilan ng pagdidiborsiyo ay ang paghihilik o snoring sa English.

Pero mga kabarangay, hindi lang naman matatanda anf humihilik, pati bata, aso at pusa. ARAY...



Ayon sa artikulong ito na hindi ko makopya dahil baka ako sampalin ng copyright infringement kaya pumunta na lang kayo doon(siguruhin lang ninyong babalik kayo dito)isa sa mga (haba naman itong sentence na ito, hah hah hah, hinga)ay ang :

1. change of lifestyle.
Kaya kung kagaya ni Britney Spears na mahilig uminom at bigla na lang natutumba (at isusulat ng kaniyang mga publicist na pagod lang daw. Kweber ko. Mag lie na silang maglie. Tsee.) hintuan na ninyo yan hane. O kaya naman ay huwag iinom bago matulog. Imaginin na lang ninyo ang sarili na senglot at humihilik. Kapangit, bukas pa ang bunganga.

Bawal din daw ang kape. O sige na, bawasan ang pag-inom. Kung dati ay isang drum, gawin na lang ninyong isang galon. Meron kasi kung lumaklak ng kape, akala mo tubig. Excuse me kuha muna ako ng isa pang cup. (dilat ng mata,isa lang, narinig mo? makuha ka sa tingin).

Overeating (ah ah samid) daw ay masama rin. Oo na nga. Wala ng pizza pie,(isang buo, lintek kasi yang mga special offer na yan ng Dominos at ng Papa John) wala ng cake,
itapon ang Black Forest (pwede ba yong lalagyan na lang, sayang, tatawad pa o sampal sampal)itapon ang ice cream , ang pasta, ang spaghetti, ang steak, hah hah hah hah, hingal. Kapapagod. makatulog nga. zzzzngorkz ngork, zz ngork

ikalawa (Oo na sabi ko isa lang but I lied ala Miriam Santiago) Ito ang pangalawang solution para mabawasan ang paghihilik):

2. Baguhin ang pagtulog

Sabi ng mga eksperto, ang pagtulog nang nakatihaya ay nagpapalakas ng paghilik.



Dapat daw natutulog nang nakaharap sa tabi. Ganito.




Kailangang sundin ninyo dahil ang makakatabi ninyo ay ganito ang magiging ayos dahil sainyong paghilik.



Huwag ninyong pansinin ang Personality Revealed on How You Sleep.
Photobucket - Video and Image Hosting
Photobucket - Video and Image Hosting